Friday, 22 August 2008

Top 20 Most Memorable Pinoy TV Commercials

Eto yung time na hindi pa masyado uso ang cable TV, karir sa pag watch ng commercial. Wala sa top 20 yung all time favorite ko, 680 home appliances “Why don’t you shop around with a friend” jingle, hehe. Mabuhay ang mga bata ng dekada Otsenta.

Madalas akong nakaharap sa TV nu'ng mga bata pa kami. At 'yun 'yung mga tipo na may pagkakataon na mas pinapanood ko 'yung mga commercials kesa sa mga palabas nuon (maliban sa Bikini Open). E habang nagsi-search ako ng mga lumang commercials sa YouTube, 'eto at gumawa ako ng aking sariling "Top 20 Most Memorable Pinoy TV Commercials" kung saan e nilista ko 'yung talagang hindi ko malilimutang mga commercials. Ilan sa mga ito ang naalala mo pa? Ano naman ang inyong top 20? 80s babies, unite!


20) KYOWA RICE DISPENSER - Nu'ng elementary pa ako, madalas akong nagbabakasyon sa bahay ng pinsan ko. At pinagtitripan nila ako kapag kinakanta ko ang jingle na ito. Siguro kung binabasa ito ngayon ng mga pinsan ko, pagtitripan ulet nila ako.

Kyowa, Kyowa, Kyowa, type kita. Basta may Kyowa, ginhawa ka!

19) MILO - Madalas 'tong lumalabas sa IBC 13, lalo na sa mga programang Takeshi's Castle at Mask Rider Black. Major sponsor nila yata 'to e.

Great things start from small beginnings. Growing up, reach early for your dreams. Face the day. It's a new challenge. A chance to be better. A chance to become your dreams. Growing up with Olympic Energy. Growing up, with Milo! Milo everyday!

18) ENCARNACION BECHAVEZ - Takot na takot ako sa commercial na 'to. Isang hindi-maunawaang magandang model in a red dress on a black background. Tapos may voice-over pa. *nginig*

When you care enough to send your loved ones the very best.

17) SM CITY - Isa ito sa mga suki tuwing Family Kwarta O Kahon. Sa Letrang O!

Food! Shopping! Fun! Movies! We got it all... SM City! It's waiting for you.

16) PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT - Ito 'yung mga paalala ng mga TV stations kung paano naiimpluwensyahan ang mga bata ng mga matatanda. Marami-raming versions nito.

Sa mata ng bata, anuman ang gawin ng nakatatanda, ay nagiging tama. Isang paalala mula sa OPS-PIA, KBP, at ng himpilang ito.

15) IVORY SHAMPOO - Catchy 'yung theme song nito courtesy of DV8.

Dati, ang aking buhay ay kulang sa sigla.
Parang kay bigat dalhin ang mga problema.
Pero pagdating mo, kaylaking pagbabago.
Biglang gumaan ang aking mundo.

Ang gaan-gaan ng feeling.
Ang gaan-gaan ng loob ko sa'yo.
Alam kong 'di ako magsasawa dahil ang gentle mo naman.

14) CHAMPION CIGARETTES - Sa gabi naman madalas lumalabas ang mga commercial nito, sa mga programang isports at sa mga pelikula. Medyo may "hidden meaning" ang mga eksena sa commercial na ito.

Ikaw ang nasa isip ko. Hinahanap-hanap kita. Ikaw talaga ang tanging Champion ng buhay ko. Nais kong malaman mo na ikaw ang tanging Champion ng buhay ko. Champion talaga! Champion Cigarettes. Champion talaga. Government Warning: Cigarette Smoking is dangerous to your health.

13) TROSYD - Mainstay din sa primetime.

'Wag mo nang patagalin. Trosyd na kaagad. Katiting man, deadly! Kahit sa pabalik-balik na fungi. At sa kato-Trosyd. Trosyd! Ang mabiliiiiiiiiiiiis na pamatay-fungi sa balat ng tao. Gawa ng Pfizer.

12) WHITE CASTLE WHISKEY - Sino nga ba 'yung model dito? Basta naka-two piece siya at nakasakay sa kabayo. Tapos tinitingnan siya ng mga manyak.

White Castle Whiskey! White Castle Whiskey! Sakto ang 5 years old whiskey. Okay lang ang tama, at walang hangover. Sakto ang White Castle Whiskey! Sakto!

11) NEOZEP - Sa gabi din lumalabas ito.

Simpleng sipon mo, maaaring lumala pa. Ibang gamot, baka delikado pa! Dapat, Neozep. The total cold specialist with no harmful ingredients. Tigil agad ang cold miseries. Neozep!

10) GREEN CROSS ALCOHOL - Ah 'eto naman sa tanghaling tapat, kapag nanonood ka ng Coney Reyes On Camera, Lovingly Yours, at Kapag May Katwiran Ipaglaban Mo.

Mel: Misis, sigurado ka ba diyan?
Misis: Pwede na 'to.
Jay: Pero 40% lang 'yan.
Misis: Pwede na 'to.
Mel: May tiwala ka sa mahinang klaseng alkohol?
Jay: Para sigurado, Green Cross with 70% Isopropyl Alcohol.
Mel: Napatunayang mas mabisa kesa ibang alcohol.
Misis: Tama! Papalitan ko na 'yung partner ko.
Mister: Ako?!
Misis: Ito! Sa Green Cross na tayo.
Jay: Parang napanood ko na ito, ha?
Mel: Green Cross Alcohol! Partner natin-- *siko kay Jay*
Jay: --sa kalusugan!
Mel: *pabulong kay Jay* Ikaw naman, sa'n ka na naman nakatingin...?
Jay: *pabulong kay Mel* Kinakausap ko lang 'yung...

9) ZONROX BLEACH - Kasabayan din nito 'yung Green Cross Alcohol.

Sa puting labada, hindi sapat ang sabong panlaba. May kumakapit pa ring mikrobyo rito. Dapat, germ-free ang linis. Kaya kailangan, ZONROX! Para litaw na litaw ang kaputian, at mikrobyo'y tepoks! Oks na oks sa kaunting Zonrox!

8) BEAM TOOTHPASTE - One of the most memorable jingles.

B-E-A-M means "Smile!"
Smile kami pag Beam.
Beam na Beam, ngipin ay protektado
Panalo sa presyo. Panalo pag Beam!

7) PAGODA COLD WAVE LOTION - Ah 'eto 80s na 80s ang dating. Naalala ko mama ko sa commercial na ito.

Get into the new wave of hair fashion. Pagoda Cold Wave Lotion! It contains lanolin and perfume neutralizer. Get into the new wave of hair fashion. Pagoda Cold Wave Lotion! The hair fashion lotion.

6) BEAR BRAND STERILIZED MILK - Classic 'tong commercial na 'to. Look at my mole!

I remember yesterday.
The world was still young...

Father: Go, dance with lola. C'mon.
Grandchild: Lola, lola...

*sabay sayaw sila*

*After many years...*

Great-grand child: Is that you, lolo?
Grandchild: Look at my mole.
Great-grand child: Ah yeah!
Grandchild: Magaling akong sumayaw.
Great-grand child: Sige nga! Sayaw tayo...

I remember yesterday. Special, as today.

Bear Brand Sterilized Milk. The Special Milk trusted for generations.

5) CARONIA NAIL POLISH - Aba e lalo na 'to, ang commercial na 'to na naging laughing stock sa Tropang Trumpo with the dance moves.

Ca... ro... nia! Caronia!
Ikabupini Manikura.
Lalilalaloo... lalalaloo..

Your beaty shines... with Caronia!

4) DRAGON KATOL - 'Yung American cowboy na nagpipilit managalog. Mas classic 'to kesa sa sino nga ba 'yung uso ngayon na "Adobong Manaak?"

Girl: Dameyng lamowk!

Cowboy: Teypowk seyla ngayown. Sa Dragon Katol.

Dragon Katol! Dragon khung umusowk. Lamowk, sehguradowng teypok!

3) SEIKO WALLET - Napapakanta pa rin ako rito kapag naalala ko at magkakasama kaming magto-tropa.

Seiko, Seiko Wallet!
Ang wallet na maswerte!
Balat nito ay DYINYUWAYN!
International pa ang mga design.
Ang wallet na maswerte.
Seiko, Seiko Wallet!
Seiko, Seiko Wallet!

Seiko Wallet, ang wallet na maswerte!

2) FAMILY RUBBING ALCOHOL - Madalas naman 'tong lumabas sa IBC 13 tuwing tanghaling tapat kapag 'yung mga sports at 'yung mga palabas na sabong.

Sonny Padilla: Sa everyday workout ko, kailangan ko ang proteksyon ng Family Rubbing Alcohol. Effective disinfectant, panlaban sa pasma, at pampaginhawa pa. Basta alcohol, Family Rubbing Alcohol. Hindi lang pampamilya, pang-isports pa!

'Di lang pampamilya, pang-isports pa! TENG~!

At bago ko ilantad ang aking most memorable commercial of all time, panoorin mo muna 'tong sa Family Rubbing Alcohol.
At ang aking pinakamalupit na commercial...

1) RA HOMEVISION - Ito talaga 'yung pinaka-classic sa'kin. 'Yung may spaceship galing Star Wars, Smurfs, at 'yung kamay ng alien na nagsasara du'n sa lid ng VHS rewinder yata 'yun. Wala akong makitang video nito sa YouTube.

Rentententen! Tenenenenenenen-rentententen! Tenenen!

Looking for entertainment? Zero in and rent your favorite VHS tapes from RA HOMEVISION! Your dependable Home Video services where you can find those Box Office Hits! Guaranteed Top-Quality VHS Tapes at very popular prices. We got them! VHS Thrillers! Adventures! Dramas! Sports! Cartoons! Award Winners! And more! Come and bring home the excitement! Go to RA HOMEVISION at #5 Dian St., Cash & Carry, Makati!

Rentententen! Tenenenenenenen-rentententen! Tenenen!


Narito ang ilan pa sa mga commercials na madalas naming mapagkwentuhan ng mga tropa ko. Ni-research ko rin ang mga linya ng mga 'yan. Paramihan tayo ng mga naalala. Halatang-halata na yata kung sino 'yung mga matatanda na. Gyahahaha! Alam kong hindi na makukumpleto ang listahang ito, pero ang sarap magbalik-tanaw sa ating pagkabata.
Maraming salamat din pala sa mga nag-contribute nu'ng ginagawa ko ang listahang ito. Kayo, anu-ano ang mga naalala niyo? Habang itina-type ko ang blog na ito, narinig ko yatang sumigaw 'tong kaliwang nipple ko. ANG TATANDA NIYO NA!

Palmolive ("I Can Feel It!")
Gee! Your Hair Smells Terrific!
Electrolux ("I'm gonna knock on your door, ring on your bell, tap on your windows too.")
680 Home Appliances (with Rod Navarro)
3D ("For Quality You Can Trust" tsaka 'yung 3D Rota Air Classic)
Polymagma ("Mukhang guilty!")
Birch Tree ("It's everybody's milk!")
YC Bikini Brief
Sweepstakes ("Ibalik ang swerti.")
San Miguel Beer ("Iba ang may pinagsamahan" tsaka 'yung Sabado Nights na naging dahilan ng pagsikat ni Ina Raymundo)
Gold Eagle Beer ("Ba-ba-ba-bayani, mero'n pa ba nu'n dito? Tumutulong sa kapwa sa maliliit na bagay.")
Coat Saver ("It's a miracle!" "No, Father. It's Coat Saver.")
7up ("It's cool to be clear!")
Mocha Cake, Ube, and Paeendaeen. From Regent.
Duty Free Philippines ("Tonyooo~!")
Serg Chocolate. ("Ikaw pa rin.")
Caress Nail Polish ("Color every magic moment.")
United American Tiki-Tiki ("Pampalusog ng inyong baby.")
Gift Gate ("I like you!" ni Geneva Cruz)
Johnson's Baby Powder ("Ikaw lamang, wala nang iba.")
La Germania ("Generates love, generates cooking, generates love!")
Anzahl Urethane Paints ('Yung may babae sa hood ng kotse.)
Johnson's Wax ("Tumatagal.")
Motolite ("Kumbinsing!")
Philippine Airlines ("The beauty of the Philippines.")
Pioneer Epoxy (Yoyoy Villame)
Nano-Nano ("Nano-nano-nano-nano... Sweet, sour and salty.")
Kotex ("Dalaga ka na, hindi ka na bata...")
Yakult ("With Lactobacillus-Shirota strain.")
Del Monte Pineapple Juice ("With Phytochemicals!")
Knorr Real Chinese Soup ("Just add one egg!")
CY Gabriel Wonder Soap ("CY Gabriel Wonder Soap ang gamitin.")
Likas Papaya Soap ("Ipakita ang inyong likas na ganda with Likas Papaya Soap.")
Juicy Fruit Gum ("Times like this, you need Juicy Fruit Gum!")
Tanduay Gold (Steven Seagal's "I found gold in the Philippines.")
ABS-CBN's Karapatan Ng Mga Bata ("Karapatang magpahayag ng sariling pananaw!")
Dunlop Socks ("Dunlop Socks, computer-designed, great style, great comfort, we all love our Dunlop! Designed for the future, it's the socks for the future. Today!")
Nestea ('Yung naglatag ng blanket sa damuhan at pagkainom ng Nestea iced tea, nagpatumba at pagbagsak naging tubig yung blanket.)
ZAA Toothpaste ("Tanggal ang singaw mo. Safe pa ang ngipin mo.")
Arthur's Legaspi Towers ("Arthur's Legaspi Towers and Taft Avenue accepts made-to-order pants and barong finished within 6 hours. Visit their other branches.")