Friday, 17 October 2008

kendi ng nakaraan...

1. KENDI MINT - eto ang kending kanunu-nunuan pa ng Dynamite. Ang official
na kendi ng mga taong may itinatagong poot sa kanilang kaloob-looban. Mint
candy sya(malamang?!) na may lamang chocolate o cocoa na mamasa masa sa
pinakagitna. Kulay green ang wrapper nya na may nakaimprentang eskimo na
nakangiti at parang gustong magpasubo na.

2. LIPPS - ang kendi ng mga batang malalandi. Cherry flavor na kendi na
gawa sa benadryl (ayon sa pakilasa ko yan ha, mapait kase) at sandamakmak
na pulang food coloring. Sobrang makulay sa bibig, kadalasang ginagawang
panghalili sa lipstik ng mga bata o di kaya dugo effect sa larong
aswang-aswangan. Payak lang ang wrapper, kulay puti at pula, tapos
nakalagay LIPPS.

3. VIVA! - ang kendi na ayaw na ayaw ni Mother Lily. Caramel candy sya na
mukhang t** at mukhang hindi masarap bilhin, lalo na ang kainin. Kulay t**
din ang wrapper nya at mas mamatamisin mo pa sigurong i-kendi ang
naptalina kesa sa kending ito.

4. WHITE RABBIT - ang bi-sexual na kendi. Dalawa kase ang klase. May
tinatawag na local at imported. Parang vivang pinahaba lang ung local
version, toffeecaramel ang flavor at bukod dun eh wala nang ibang
misteryong mahihita pa sa kanya. Kulay puti at super milking nougat naman
yung imported. Bukod dun sa chinese character na nakaimprenta sa wrapper
nya, eto ang pinakapambato ng white rabbit imported, ang kanyang inner
wrapper na pwedeng kainin at pagsaluhan ng buong pamilya.

5. PINYA - hindi ko alam kung ano ba talaga ang lehitimong tawag sa kendi
na ito, pero dahil hindi tayo masyado sure ay itago na lang natin sya sa
pngalang pinya. Sya ang kending pinakafashionista ang wrapper dahil mukha
syang pinya. Bagsak lang sya sa itsura ng wrapper dahil mukang tapeteng
mura lang per yarda ang itsura nito. At ang lasa...pinya. Malamang.

6. VICK'S - ang kendi ng mga batang may kakambal o ng mga batang sadyang
madamot lang tlga at pinalaking dupang? Vicks candy. Mentholated ang vicks
at dalawang piraso sya ng kendi sa isang maliit na pack na hugis inverted
triangle. Pinaniniwalaan ng mga bata na nakakapagpaluwag ng paghinga.
Hindi ko alam kung associated talaga ang nakagisnan naming vicks candy sa
vicks na pamahid sa sinisipon.

7. BUTTER BALL - ang kendi na mga batang maymalalaking bibig. Ito ang
Peter's Butterball, ang pinakamasarap sa lahat ng caramel candies. Bilog
syang candy na mejo may kalakihan ang hulma kung sa bata ipapasubo. Sosyal
ang wrapper dahil ito ata ang pinakaunang kendi na nasa pillow pack at
kulay peach pa. bsta masarap, husto na yun.

8. ORANGE SWITS - ang ina ng mga gummi bears at potchi. Malalambot na
orange slices na pinatihaya, pinadapa at pinagulong-gulong sa asukal
hanggang sa magtanda. Apat na slices per pack at mas madalas na makitang
binebenta ngayon ng mga takatak boys kesa sa sari sari stores.

9. TOOTSIE ROLL - isa sa pinakasikat ng kendi nung panahon ko. Sa sobrang
kasikatan eh nagkaroon pa ng dance craze na tribute sa kanya nung early
90s. Caramel candy din ang tootsie roll na kasing-haba ng mongol na
makatatlong beses ng tinasahan. Bukod sa pwede syang kainin at sayawin ay
pwede din syang itapal sa ngipin para magmukang bungal at yun ang
pinakamasayang purpose ng tootsie roll.

10. ALMO - ang pinagmulan ng mga ovalteenies. Chocolate candy sya na
mukhang mga tabletang panlunas sa sipon at lagnat. Nakalagay sa makulay at
maliit na foil pack at kadalasang nakasabit sa tindahan dahil dugtong
dugtong sya. Masarap ang Almo lalu na kung hindi mo sariling pera ang
pinambili.

11. HAW FLAKES - ang buhay na patunay na hindi sa ikatlong baitang sa
elementarya unang nagaganap ang pangungumunyon ng mga bata. Ang haw flakes
ay kending galing pa ng tsina at naging saksi sa barter trade system. Mas
kilala sa tawag na "oscha" dahil sa kakatwang itsura nito. maninipis at
kulay maroon na amoy pawisang singit ng bata (maasim). Nevertheless may
basbas at sagrado. Dito nagsisimula ang damdaming makadiyos at madasalin
kaya ibahin nyo ang haw flakes. Ang kending galing sa langit.

12. KENDING HUBO - also known as neto, nyan o dutdut motion. Pabili nga po
neto, pabili po nyan, o di kayadutdut na lang dun sa garapon. Ganyan ang
kending hubo.ang kending walang sapat na pagkakakilanlan at impormasyon sa
sarili. Muka syang holen na iba-iba ang kulay at flavor (kadalasan
citrus/fruity) . May budbud syang asukal sa paligid at kadalasang
nakalagay sa malaking garapon ng lady's choice.

13. LALA - ang pinakamasarap ng tsokolate sa mundo ng pagkabata. Mas
kilala sa tawag na "milo", ang lala ay gawa sa purong cocoa (sige
magmarunong tayo sa ingredients) na hinulma into small rectangular
chocolate bars na may naka-emboss na parang rehas ng veranda. Sobrang
masarap at sobrang tindi din kung magpasakit ng ngipin, Nevertheless
masarap. Yun naman ang importante eh.

14. CHOC-NUT - ang hall of famer sa lahat! Siya ang pinakasikat na kendi
(o kung anumang tawag sa klase nya) sa balat ng Pilipinas. Gawa sa
natuyong peanut butter at chocolate na hanggang ngayun ay hndi ko makapa
ang lasa, na binalot sa palara. All-time favorite na panghimagas o
pampalipas oras. Chocnut is simply the best!

No comments: